CAMARINES NORTE- Inanunsiyo ng Civil Service Commission (CSC) nitong Lunes na maaari nang mag apply ng refund simula sa Hulyo 1 ng taong kasalukuyan ang mga registered examinees sa Bicol Region ng nakanselang March 2020 Career Service Examination, Pen and Paper Test (CSE- PPT).
Aabot sa halos labing anim na libo sa buong rehiyon ang registered examinees na maaaring mag apply ng refund.
Sa bilang na ito ng mga registered examinees 1, 550 ay mula sa lalawigan ng Camarines Norte.
Matatandan na unang inanunsiyo ng CSC ang tungkol sa refund noong Mayo.
Una na ring nilinaw ng komisyon na kailangang i- refund ng mga registered examinees ang P500 examination fee.
Kung magkaroon man daw kasi ng schedule muli ng exam ay kailangang mag- apply ng panibago at magsumite ng mga kinakailangang requirements.
Para sa kumpletong impormasyon ay i- check lang ang CSC RO V Online Refund System (CORS) sa pamamagitan ng link na refund.ro5itg.com.
Magiging accessible ang CORS simula sa July 1, 2021.

