CAMARINES NORTE- Nakapagtala ng panibagong kaso ng COVID- 19 ang bayan ng Mercedes Camarines Norte.
Ito na ang ika- 45 kaso ng sakit sa naturang bayan batay sa opisyal na pahayag ng Lokal na Pamahalaan nitong Lunes.
Siya si Bicol No 17061, isang 22 anyos na lalake mula sa Barangay 6 na mayroong travel history sa Valenzuela City.
June 13 nang ito ay magpositibo sa Rapid Antigen Test kaya’t isinailalim siya sa RT- PCR test noong June 24.
Lumabas ang resulta na positibo ito sa RT- PCR test noong June 24 pero wala naman itong nararamdamang sintomas.
Naka- isolate ngayon sa District II Temporary Treatment and Monitoring Facility ang pasyente na sa katapusan nitong buwan ay titigil muna ng operasyon dahil sa kawalan ng pondo para maitustos sa mga gastusin sa naturang pasilidad.
Agad naman daw nagsagawa ang LGU ng infection prevention and control measures para maiwasan ang pagkalat ng virus.

