Regional Cooperation, isusulong ni PBBM sa ASEAN-Japan Commemorative summit

Tumulak na eksaktong alas dos dyes ngayong hapon si Pangulong Bongbong Marcos patungong Tokyo Japan, para sa 50th ASEAN-Japan Commemorative summit.

Sa kanyang departure speech sa Villamor airbase, sinabi ng Pangulo na ang huling ASEAN-related summit ngayong taon ay magbibigay daan upang tiyakin ang posisyon ng Pilipinas sa kasalukuyang pandaigdigang mga isyu, at itaguyod ang ating interes.

Ipapaabot din ng bansa ang pag welcome sa conferment ng Comprehensive Partner Status sa Japan, bilang ASEAN’s trusted at reliable partner sa usaping pangkapayapaan, economic development at community-building sa nakalipas na limampung taon.

Ibibida rin ng Pangulo sa Asia Zero Emission Community o AZEC leaders ang mga inisyatiba ng Pilipinas sa pagsusulong ng clean energy transition.

Kung saan iimbitahan ng Punong Ehekutibo ang AZEC partners kasama ang mga mamumuhunan sa Japan na mag invest sa Philippine Renewable Energy Industry.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *