Simbahang Katolika – handang-handa na para sa Simbang Gabi

Patuloy ang panghihikayat ng Simbahang Katolika sa mga dadalo sa Simbang Gabi na hanggat maaari – magsuot pa rin ng mga face masks.

Ito ay sa gitna pa rin ng patuloy na pagdaming muli ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, pati na rin ang iba pang mga respiratory illnesses.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Ayon kay Manila Archbishop Jose F. Cardinal Advincula – dapat ay siguruhing ligtas ang mga Misa de Aguinaldo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga health and safety protocols.

Read More:  Barzaga says he has no regrets after House expulsion

Inabisuhan naman ang mga mayroon nang sakit at mga sintomas na manatili na lamang sa mga bahay para ‘di na makahawa pa sa iba.