Region 12 nakapagtala ng zero new COVID 19 death

KORONADAL CITY- WALANG naitalang bagong namatay dahil sa COVID-19 ang Soccsksargen region. Ito ay batay sa COVID 19 tracker ng Department of Health o DOH Region 12 noong November 14.

Dahil dito, nananatili sa 2,151 ang kabuuang COVID 19 related deaths sa rehiyon o 3.82% ng 56,296 total cases.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Samantala, 25 lamang ang naitalang bagong kaso kung saan 13 sa mga ito ay nasa South Cotabato, 9 sa General Santos City at 3 sa Sultan Kudarat.

Nasa 58 naman ang new recoveries kung kayat umakyat na sa 53,349 ang bilang ng mga gumaling sa COVID 19 na mayroong 94.77% recovery rate.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Ang mga aktibong kaso sa region 12 ay bumaba na rin sa 782.

Sa kabila nito, patuloy ang apela ng mga health authorities sa mga mamamayan na huwag magkampante at sumunod pa rin sa minimum health standards.