KORONADAL CITY – NASA 533.4 milyong pisong halaga ng infrastructure project ang nakatakdang ipatupad sa Koronadal sa susunod na taon.
Ito ang ibinahagi ng city government sa publiko na kinabibilangan ng konstruksyon ng mga flood mitigating structures at drainage systems, gayundin ang mga improvement ng mga road networks.
Kalakip sa malaking pondo ang 245 milyong piso para sa mga drainage systems at para sa proteksyon ng pagbaha sa ilang parte ng lungsod.
Kabilang pa dito ang pagpapaganda ng Blok Creek at Marbel River na may 50 milyung pisong nakalaang pondo para sa konstruksyon ng bank protection structures at 30 milyong piso para sa dagdag na flood control structures, at ang iba pang pondo ay inilaan naman sa mga drainage at river protection projects at road-widening.
