CAMARINES NORTE- Nag abiso simula pa kagabi ang pamunuan ng Primewater sa mga apektadong kunsomidores kaugnay sa nangyaring breakage ng pipeline sa Dagotdotan Filtration Facility (DFF).
Dahil kasi sa pipeline breakage ay nakaranas ng pagkawala ng tubig ang ilang lugar sa Camarines Norte tulad ng Daet South, Basud at Mercedes simula pa kahapon ng umaga.
Kagabi ay natapos na ang pagsasaayos sa Transmission Line Breakage sa DFF Surface Water Treatment Facility pero magtatagal pa ng 24 hanggang 48 oras ang recovery period ng suplay ng tubig matapos maisaayos ang nasirang linya.
Sa mensahe sa Brigada News FM Daet ni Primewater Branch Manager Mark Anthony Muroda kaninang umaga, ipinaliwanag nito na bagamat naibalik din ang suplay ng tubig kagabi ay posible umanong hindi pa ito nakakaabot lalo na sa mga dulong lugar. dahil nagkakaroon ng airlock.
Ani Muroda, madalas itong mangyari kada pagkatapos na magkaroon ng interruption.
Bago pa man daw kasi makarating sa mga dulong bahagi ng kanilang service area ang tubig ay nagkakaroon ng airlock sa system kaya ang ginagawa ng Primewater ay nagpa- flushing sa mga metro kapag wala pang dumadaloy na tubig.
Photos: BM Mark Anthony Muroda/Primewater
