BNFM BICOL—Nasa siyam na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa islang lalawigan ng Catanduanes batay sa pinaka latest na report ng Provincial Health Office.
Ang naturang bilang ng mga active cases ay mula sa 3,181 na mga naitalang kumpirmadong kaso ng sakit sa probinsya kung saan tatlo dito ang mga bagong naidagdag kahapon.

Pumalo na rin sa 3,041 ang bilang ng mga gumaling matapos madagdagan ng isang recovery kahapon habang nananatili sa 131 ang death toll ng sakit sa islang probinsya.###