Record breaker ocean rower Turkish American, nasa Legazpi City

LEGAZPI-Bumisita sa Legazpi City ang record breaker ocean rower Turkish American na kauna-unahan sa buong mundo na nakapaglakbay gamit ang kanyang bangka.

Si Erden Eruc, 15 time Guinness World Record Holder, ang kinukunsiderang solo human-powered circumnavigation  na kung saan solo itong naglayag sa tatlong malalaking karagatan ng Pacific, Indian at Atlantic at nakapagbiseklet ng mag-isa sa kontinente ng Australia, Africa at North America.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Noon ngang nakaraang taon, nagsimula ulit itong maglayag sa Pacific sakay ng kanyang rawboat mulang Crescent City sa California noong June, noong nakaraang taon at noong September 2021, dumating din ito sa Waikiki.

Sa record, noong Pebrero nakarating ito sa Guam at kahapon (March 24), dumating ito sa Legazpi City.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Sinalubong rin ito ng Department of Tourism at iba pang local officials para mainit na i-welcome.

Kung maalala si Erden Eruc ang kauna-unahang tao sa buong kasaysayan na tumawid sa East to West mula North America sa mga bansa sa asya.

11 anyos pa lamang, hilig na ni Eruc ang mga outdoor adventures kasama ang ama nito.