LEGAZPI CITY – Hinirang bilang Outstanding Teacher of the Year sa buong lalawigan ng Albay ang isang Camaligueña sa isinagawang Third Instabright International Guild of Researchers & Educators, Inc. National Awards.
Kinilala ang guro na si Mrs. Ana Marie Herrera Jacob residente ng Cabraran Pequeño kung saan ang nasabing parangal ay pagkilala sa mga guro na nagiging instrumento sa pagtaguyod ng holistic learning sa mga indibidwal partikular na pagdating sa implementasyon ng Alternative Learning Systems (ALS).
Isa umano sa mga adbokasiya ng guro ay ang maabot ang mga nasa far-flung barangays at makapagbigay ng facilitated learning activities sa bawat pamilya.
Ang pagiging masipag at matiyaga umano nito sa trabaho ay isang repleksyon ng kanyang pagiging Camaligueños kaya naman nararapat lamang na mabigyan siya ng nasabing parangal.