LEGAZPI CITY – Nakatanggap ang mahigit 100 residente ng Malilipot, Albay ng libreng serbisyong hatid ng iba’t-ibang ahensya sa isinagawang medical, dental, optical, agriculture, veterinary, social welfare missions sa San Jose covered court.
Ang nasabing programa ay pinangunahan ng Provincial Government of Albay (PGA) at Provincial Health Office (PHO) kung saan katuwang nito ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Veterinary Office (PVO).
Kabilang sa mga natanggap ng mga residente ay ang mga butong pananim, libreng gupit, lugaw, at libreng health care assistance para sa mga alagang hayop.
Hinandugan rin ng Provincial Social Welfare Development (PSWD) ang mga senior citizen at Person With Disabilities ng 10 wheelchairs.
Matatandaang, noong ika-12 ng Marso ay nakatanggap rin ng parehong serbisyo ang mahigit 1 libong residente ng barangay Pantao, Libon, Albay.