Reaksyon ni Locsin kaugnay sa isinampang kaso laban sa 7 pulis sa Bulacan, ‘self-serving’ -HRW

Sinagot ni Human Rights Watch ang naging reaksyon ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa ulat na nasampahan na ng kaso ang pitong pulis na sangkot sa gawa-gawang buy-bust operation sa Bulacan na nagresulta sa kamatayan ng anim na biktima.

Ito ay matapos purihin ni Locsin ang paggana ng hustisya sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang reaksyon sa nasabing ulat na inilabas ng Department of Justice.

Read More:  No extension for COC filing in BARMM parliamentary elections — Comelec

Ayon kay HRW senior Philippines researcher Carlos Conde, para sa bawat magandang balita, ay meron pang 1,000 iba pang kaso ng extrajudicial killings ang hindi naiimbestigahan.

Read More:  PGMN host CJ Hirro named person of interest in alleged ₱350M extortion case

Giit ni Conde, nakabinbin lang ang mga kaso sa ilalim ng “broken” justice system ng Pilipinas.

Naniniwala si Conde na para lamang sa pansariling interes ang ginawang “spin” ni Locsin sa ulat upang linlangin ang international community.