Locsin, ibinida ang pagsasampa ng DOJ ng kaso laban sa 7 pulis sa Bulacan na nasangkot sa pagpatay sa 6 na biktima

Naniniwala si Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin Jr. na gumagana ang hustisya sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos makasuhan ang pitong pulis na sangkot sa pekeng buy-bust operation na nagresulta sa pagkamatay ng anim na inosenteng biktima.

Reaksyon ito ni Locsin sa press statement ng Department of Justice kaugnay sa mga kasong murder at arbitrary detention na naihain laban sa mga sangkot na pulis sa Bulacan.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Ang nasabing pahayag ng DOJ ay inilabas isang araw matapos mapaulat na suportado ng 94% ng mga biktima ng war on drugs ang findings ni dating International Criminal Court prosecutor Fatou Bensouda.

Ayon kay Locsin, ngayon lang makikita sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon kung paano gumagana ang totoong hustisya.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Iginiit ng kalihim na walang ganitong klase ng aksyon sa mga nagdaang administrasyon.

Sa ilalim ng Public Redacted Registry Report on Victims Representations na naisumite sa ICC Trial Chamber noong August 27, ay sinabi na nakabase ito sa 204 victim representations na naisumite sa ngalan ng tinatayang 1,530 na individual victims at 1,050 na pamilya.