Go, tiniyak na kaisa siya ng Senado sa paglaban sa korapsyon

Binatikos ni Senator Christopher Bong Go ang mga alegasyon na nagdadawit sa kaniya sa mga isyu na pumapalibot sa Department of Budget and Management Procurement Service’s (DBM-PS) kaugnay sa pagbili ng overpriced COVID-19 equipment.

Sa isang privilege speech ay itinanggi ni Go na meron itong koneksyon sa dating opisyal ng DBM na si Christopher Lloyd Lao, na nagsilbi noon bilang DBM-PS chief nang mangyari ang procurement ng medical supplies noong umpisa ng pandemya.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Sinabi ni Go na suportado niya ang kanilang layunin na malaman ang katotohanan.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Gayunman, iginiit ng senador na kung gagawa sila ng konklusyon bago malaman ang lahat ng facts, ay bibiguin ng Senado ang mga mamamayan  na umaasa sa makatotohanan at accurate na impormasyon.

Nanindigan si Go na kaisa siya ng Senado sa laban kontra korapsyon.