Estudyante, patay matapos magbanggaan ang sinasakyang tricycle at SUV

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa pagkamatay ng isang estudyante matapos madisgrasya sa Purok Mangga, Paco, Kidapawan City pasado alas-tres sa hapon nitong nakaraang araw.

Ayon sa mga otoridad, bumangga ang SUV sa sinasakyang tricycle ng estudyante.

Kinilala ang biktima na si Benedict Paolo na pauwi na sana mula sa pagpapa-enroll. Sa lakas ng impact, tumilapon si Benedict at bumangga sa windshield ng SUV, inatrasan pa ito ng isa pang sasakyan.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Base sa pag-iimbestiga ng mga otoridad, mula sa Kidapawan City ang tricycle na maghahatid sana ng mga pasahero sa Brgy. Paco. Ngunit ng lumiko, bila itong bumangga sa SUV. Sa lakas ng pagkakabangga tumilapon ang sasakyan sa gilid ng damuhan sa highway.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Matapos ang insidente, mabilis na nakatakas ang driver ng SUV.

Sa ngayon, patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng pagkabangga ng SUV sa tricycle.