Ranked number 8 sa Station Most Wanted Person ng Station 4, Naga City, Camarines Sur, nadakip sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Isang akusado na kasalukuyang naninirahan sa P-4 Brgy. Malasugui, Labo ang nadakip sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng pinagsanib pwersa ng mga tauhan ng Labo MPS at ng Manhunt Charlie NCPO Naga City, Cam Sur dakong  3:15 ng hapon nitong Marso 8, 2022.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Ang naarestong personahe ay kinilala sa alyas na “Estoy” 46 anyos at residente ng P-1 Brgy. 5, Daet, Camarines Norte.

Inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong paglabag sa Section 5 (1) ng RA 9262 na ipinalabas ni Hon. Agaton S. Fajardo, Presiding Judge ng RTC Branch 6 (FC), Naga City na may katumbas na piyansang Php 72,000.00.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga na ng mga umarestong tauhan ng pulisya ang naarestong personalidad bago ang pormal na pag turn-over ng warrant of arrest sa korteng pinagmulan nito.