Timbog ang No. 8 Provincial Most Wanted Person ng Sorsogon Police Prov’l Office sa ikinasang operasyon ng Pto Diaz MPS katuwang ang 1st PMFC , CIDG at SPPO sa Brgy Ticol, West District lungsod ng Sorsogon.
Kinilala ang akusado na si Arvin Labayani Jaso, heavy equipment operator at residente ng nasabing barangay.
Ayon sa ulat dakong alas 6:50 ng umaga, Enero 3 nang maaresto si Jaso sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng RTC Br 54, Gubat, Sorsogon.
Nahaharap nito sa 3 counts of rape na walang itinakdang piyansa.
Nasa kustudiya na ito ngayon ng Pto Diaz MPS pra sa kaukulang disposisyon.
