Babae, nadiskubreng patay sa loob ng kanyang kuwarto

Isang 44-anyos na dalaga ang patay na nang madiskubre ng kanyang tiyuhin sa loob ng kanyang kuwarto dakong alas 9:00 ng umaga noong Martes, Enero 3 sa Sitio Biyong, Brgy Macalaya, Castilla, Sorsogon.

Kinilala ng Castilla MPS ang biktima na si Gina Loquillano Miranda.

Batay sa ulat ng Pulisya, ang krimen ay ipinaabot sa kanila ni Brgy Kagawad Sonny Santillan.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Sa impormasyon na nakuha ng Brigada News, ang biktima ay natagpuang laslas ang leeg, ito ay nakasuot ng shorts subalit ang underwear ay nasa tabi ng kanyang bangkay.

Tumanggi pang magpalabas ng progress report sa kanilang imbestigasyon sa krimen ang Castilla PNP.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Nagsagawa na ng pagsisiyasat ang personahe ng SOCO upang tulungan ang imbestigador ng Pulisya na itatag ang motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan ng may kagagawan.

Ang mga labi ng biktima ay nasa isang punerarya sa Legazpi City para sa pagsagawa ng awtopsiya upang matukoy ang sanhi ng kamatayan nito at kung ito ay biktima ng sexual homicide.