Si Miss universe 2018 Catriona Gray ang napiling maging backstage commentator sa nalalapit na Miss universe 2022.
Makakasama ni Catriona si American Ninja Warrior co-host at Access Hollywood correspondent Zuri Hall.

Samantalang si Miss Universe 2012 Olivia Culpo at ang American television host na si Jeannie Mai-Jenkins ang mga main host ng Miss Universe 2022.
Gaganapin ang grand coronation ng Miss Universe 2022 sa Ernest N. Morial Convention Center, New Orleans, Louisiana, USA, sa January 14, 2023 (January 15, 2023 sa Pilipinas).
Inaasahang isang masiglang Olivia ang mapapanood bilang emcee ng 71st Miss Universe. Matatandaang umani ng mga batikos at sangkatutak na memes ang kumalat tungkol sa kanyang wala umanong kabuhay-buhay na hosting skills nang maging co-host siya ni Mario Lopez sa 69th Miss Universe noong May 16, 2021.//CA