Rank No. 3 most wanted ng Lagonoy Police arestado sa lungsod ng Sorsogon

SORSOGON CITY – Nasa kustudiya na ng Lagonoy Police ang kanilang No. 3 most wanted person matapos ito maaresto sa lungsod ng Sorsogon.

Una rito, nagsanib puwersa ang Sorsogon City at Lagonoy Police sa paghain ng arrest order sa akusado na si Nestor Manlangit Bordonada alias ‘Gona,’ 60-anyos, may asawa, magsasaka. Naaresto ito sa Sitio Lantik, Brgy Pangpang, West District,l Sorsogon City.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Ang akusado ay nahaharap sa kasong 7 counts of statutory rape na walang itinakdang piyansa at act of lasciviousness na may kaukulang piyansa na P180, 000.00.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Naisakatuparan ang pag-aresto sa akusado sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng 5th Judicial Region RTC Br 30.

Nag-ugat ang kaso ni Bordonada noong taong 2019.