Nakatanggap ng libreng pabahay mula sa Police Regional Office 2 ang dalawang pamilyang benepisaryo ng PRO2 Lingkod Bayanihan and BARANGAYanihan “Pabahay Project sa probinsya ng Cagayan.
Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cuayan mula sa PRO2, napiling benepisaryo ng Camalaniugan Police Station si Mrs. Elvy Tamayo ng Tagum, Camalaniugan, Cagayan at anak nitong babae kung saan nakikitira lamang sila sa kanilang kamag-anak.
Napag-alaman din na ang anak ni Tamayo ay biktima ng sexual abuse ng sariling ama at ang tanging kabuhayan nila ay ang paggawa ng flower vase mula sa mga recycled plastic materials.
Sa parehong araw, ipinasakamay din kay Mr. Ernesto Balsan Jr mula Bangag, Aparri, Cagayan at lima nitong anak ang libreng pabahay mula sa PRO2 katuwang ang lokal na pamahalaan ng Appari.
Napili ang pamilya ni Balsan matapos makita ng kapulisang ang facebook post ng isang concerned citizen ukol sa dalawa nitong anak na may sakit.
Napasalamat naman si PRO2 Regional Director PBGen. Steve Ludan sa kooperasyon ng mga LGU officials ng Apparri at Camalaniugan maging ang iba pang stakeholders upang maisagawa ang mga proyekto ng PNP.
Pinasalamatan din ni RD Ludan ang pamilya ni Mr. Delfin Delos Reyes para sa lupang pinagtayuan ng bahay ni Ginang Tamayo.