Halaga ng pinsala ng nasunog na warehouse sa Naguilian Isabela; Umabot sa P150,000

Umabot sa 150,000 pesos ang halaga ng pinsala sa pagkasunog ng isang abandonadong warehouse na dating pagawaan ng pekeng sigarilyo sa Brgy. Palattao Naguilian, Isabela noong August 7, 2021.

Ito ang kinumpirma ni SFO3 Angelo Anog ng Naguilian Fire Station sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Aniya, dakong 5:30 ng hapon noong Sabado nang nakataggap ang kanilang tanggapan ng tawag na mayroong sunog sa isang warehouse sa nasabing lugar kung saan umabot pa ng alas-7 ng gabi bago ito maapula.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Kaugnay dito, nahirapan din umanong pumasok ang BFP Naguilian sa warehouse dahil wala itong ventilation o bintana man lamang.

Karamihan aniya sa laman ng bodega ay mga karton at plastic na naging dahilan din ng makapal at maitim na usok.

Dalawang firetruck ng BFP Naguilian ang rumesponde at tumulong din ang BFP Benito Soliven, City of Ilagan, Reina Mercedes, Cauayan City at dalawang Chinese volunteers upang maapula ang sunog.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Dagdag pa ni SFO3 Anog, inaalam pa ang maaaring dahilan ng sunog sa abondadong warehouse ngunit n hindi naman inaalis ang posibilidad na sinadya itong sunugin.

Napag-alam pa na walang anumang wire sa bodega ang konektado mula sa poste na linya ng kuryente.

Magugunita na ang naturang warehouse ay dating pagawaan ng sigarilyo at nabigyan ng closure order mula sa Bureau of Internal Revenue.