LEGAZPI CITY – Himas rehas ngayon ang Rank No. 1 Municipal Most Wanted Person of Polangui matapos maaresto sa Barangay Luya ng nasabing bayan dahil sa tatlong kaso ng Qualified Rape, Statutory Rape at Acts of Lasciviousness in relation to R.A 7610 o child abuse.
Kinilala ang akusado na si Alyas Joe Joe 48 anyos, may asawa at residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa report, gabi ng puntahan ng mga awtoridad ang bahay na tinutuluyan ng akusado, ng matagpuan si Joejoe sa kanilang lugar ay dito na sinilbihan ng warrant of arrest sa mga nasabing kaso.
Una rito tatlong Qualified Rape at isang statutory rape ang kanyang kinakaharap na pirmado noong Hulyo 9, 2019.
Walang inirekomenda na piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan habang isa pang kaso ng Acts of Lasciviousness na may piyansa inirekomenda para sa kanyang pansamantalang kalayaan na aabot sa P200K.
Ang akusado ngayon ay nananatili sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.