Naaresto nang Sta. Elena MPS ang Rank No. 1 Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Gumaca, Quezon sa ikinasang manhunt operation ng pinag-isang pwersa ng mga otoridad nitong Hunyo 28, 2021 sa oras na alas 3 ng hapon sa Purok 5, Brgy. Don Tomas, Sta. Elena, Camarines Norte
Ang akusado ay kinilalang si Joshua Gabarda y Armando, 21 taong gulang, isang truck helper at residente ng naturang lugar
Naaresto si GABARDA sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ni Hon. Michael E. Vito, Presiding Judge ng RTC 4, Branch 172, Gumaca, Quezon para sa kasong rape na walang rekomendadong piyansa.
Napag-alamang si GABARDA ay akusado sa panggagahasa sa isang 11-anyos na batang babae na naganap noong March 20, 2020 sa Villa Arcaya, Gumaca, Quezon.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Sta. Elena MPS ang nasabing akusado para sa kaukulang disposisyon.

