Rank no. 1 Municipal Most Wanted Person ng Oas, Albay na 2 dekadang nagtago, kalaboso sa Pangasinan

LEGAZPI CITY – Arestado na ang “Rank no. 1 Municiapl Most Wanted Person” ng Oas, Albay, sa Brgy. Umando, Malasiqui, Pangasinan matapos ang mahigit dalawang dekada na nagtago sa kanyang lungga ang akusado na kilala na si “Vic”, may asawa, magsasaka, at residente ng Brgy. Matambo, Oas, Albay, makaraang siya ay masampahan ng kasong panggagahasa.

Ayon sa rekord, dakong alas singko ng hapon noong Hunyo 27, 1997 sa Brgy. Matambo, Oas, Albay nang pwersahan diumanong pinagsamantalahan ng akusado ang biktima na noo’y kanyang kasintahan.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Sa pakikipagtulungan ng Oas MPS sa mga mamamayan at sa iba pang yunit ay natunton na rin nila sa wakas ang kinaroroonan ng akusado.

At sa dedikasyon ng mga tauhan ng nabanggit na himpilan at ilang operatiba ng Malasique MPS ay matagumpay nilang nadakip and salarin, sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ng korte noong Setyembre 18, 2001, para sa nabanggit na kaso.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Matapos na mapasailalim sa tamang dokumentasyon, ang akusado ay agad ring dinala sa himpilan ng pulisya ng Oas, Albay para doon pansamantalang ilagak habang hinihintay ang kautusan ng korte kung saang kulungan siya dadalhin.