Phil. Red Cross handang sumaklolo sa Bicol Medical Center na naka Red Code status na ang blood bank

NAGA CITY- Handa ang Philippine Red Cross-Camarines Sur na sumaklolo sa Bicol Medical Center sakaling mas maging kaunti pa ang supply ng dugo.

Ito ang inihayag sa Brigada News FM Naga ni Felisa Badiola ng nasabing humanitarian organization. Aniya kailangan lamang ng pormal na request mula sa ospital o sa pasyente. May sapat na supply ang Red Cross dahil naka pag blood letting activity na simula noong lumuwag ang mga restrictions.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Ang blood bank storage ng BMC ngayon ay naka code red. Hindi na aabot sa 400 blood packs ang kanilang stock.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Nanawagan ng BMC na mag donate ng dugo ang mga kwalipikado dahil hindi lamang mga taga Camarines Sur ang sinisilbihan ng pagamutan kundi pati ang Camarines Norte at Quezon Province.

Tatanggap sila mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon hanggang sa Feb. 14.