Rank 1 Municipal MWP kan Tiwi na may kasong 2 counts of qualified rape, arestado

LEGAZPI CITY – Arestado ang Rank No. 1 Municipal Most Wanted Person ng Tiwi, Albay na may kasong 2 counts of qualified rape sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ng Tiwi MPS sa Purok 4, Brgy. Dapdap ng nasabing bayan.

Read More:  Transgender woman alleges discrimination in entrance exam process at Lucena City School

Kinilala ang akusado na si alyas “Leo”, 49, may asawa, at residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa report, bandang 12:10 ng tanghali nang masakote ng mga otoridad ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa nasabing kaso na inisyu ng RTC Branch 16, Tabaco City at walang inirekomendang piyansa.

Read More:  20 of 36 health facilities in Kabankalan face flood risk, data shows

Ang akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng nasabing himpilan para sa kaukulang disposisyon.