3 sa limang suspek sa panloloob sa botika sa QC, arestado

Arestado ang tatlo sa limang suspek na nanloob sa isang malaking botika sa Quezon City.

Sa tulong ng mga impormante dinayo ng Quezon City Police District Station 5 at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang eskinita sa Sta. Lucia, Novaliches kung saan nagtago ang mga suspek.

Lumabas naman sa imbestigasyon na dati nang nakulong ang mga suspek at sa kulungan pa nila binubuo ang kanilang plano.

Samantala, patuloy naman ang pagtugis ng mga pulis sa dalawa pang suspek. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *