Ramen restaurant sa Japan, ipinagbabawal ang paggamit ng cellphone

Sa makabagong henerasyon at modernisasyon, hindi na maiiwasan ang laging paggamit ng mga cellphone, lalo pa isa na ito sa pinakaimportanteng bagay sa araw-araw na komunikasyon.

Subalit, isang ramen restaurant kamakailan sa Tokyo, Japan ang pinagbabawalan ang mga customer na gumamit ng cellphone sa loob lalo’t habang kumakain.

Isa raw kasi umano ito sa napansin ni Kota Kai, ang may ari ng restaurant na pinangalanang Debu-Chan.

Ayon rito, isa umano sa nagiging dahilan kung bakit matagal matapos ang mga kumakain dito ay dahil sa paggamit ng cellphone at panunuod sa Youtube sa tuwing kumakain.

Dahil sa 33 customer lamang ang naooccupy ng nasabing restaurant, napakahaba umano ng pila nito lalo pa’t tuwing peak hours at nag-aantay sa mga matatapos na customers.

Maliban pa rito, gusto niya umano mapanatili ang quality ng noodles ng ramen lalo nag-iiba umano ang texture nito kung hindi agad  kainin.

Samantala, wala pa rin naman umanong makikita na kahit anong babala na nagbabawal na magcellphone sa lugar, dahil sa gusto ng may ari personal niyang maiipaliwanag ito sa mga taong gumagamit ng cellphone habang kumakain.|WL