Mga laro sa peryahan na pera ang papremyo sa Peñarancia Fiesta, ipagbabawal; curfew hours mahigpit pa ring ipapatupad

NAGA CITY – Mahigpit na ipagbabawal sa mga carnival at peryahan sa Naga City ang mga laro o game na pera ang papremyo ngayong paparating na Peñafrancia Fiesta.

Isa ito sa binigyang diin ni PSMS Toby Bongon, Information Officer ng Naga City Police Office sa ginawang Press Conference kanina.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Kung saan huhuliin at hindi papalampasin, katulad ng card game, color game at ilan pa na pera ang papremyo, papasok aniya kasi ito sa illegal gambling.

Mabuti na aniya, na kung pera ang itinaya mo, ngunit kung pagkain, stuffed toys at iba pa ang pinanalunan, pwede iyon.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Katunayan ang Lokal na Pamahalaan, may executive order na pa rito na mahigpit na ipapasunod.

Dagdag pa ng ni Bongon mahigpit pa ring ipapatupad ang curfew hours sa mga menor de edad, kailangan na kasama ang mga magulang kung maglalaro sa peryahan at dapat na sumunod pa rin sa oras na itinakda.