Rambulan ng mga estudyante sa isang paaralan sa Mandaue City, iimbestigahan ng DepEd

Kasalukuyang iniimbestigahan ng Department of Education (DepEd) sa tulong ng mga kapulisan, ang insidenteng rambulan ng mga senior high school students sa isang paaralan sa Mandaue City.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Viral ngayon sa social media ang video kung saan nakuhanan ang rambulan ng mga estudyante sa loob ng class room.

Ayon kay DepEd-7 Regional Director Salustiano Jimenez, isasailalim ang mga sangkot na estudyante sa counseling.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Handa naman ang Mandaue City Police na tumulong kung may mga magulang na gustong magsampa ng reklamong physical injuries na mga natamo ng biktima.