Gaganapin sa lalawigan ng Sorsogon ang 7-day campaign to End Violence Against Women.
Ayon kay 1st District Board Member at Chair ng Committee on Gender and Development Nini Ravanilla, purely social services ang gagawing mga aktibidad na tututok sa kapakanan ng mga kababaihan tulad ng pagpapalakas ng mga programa na mangangalaga sa kanilang kalusugan, pagbibigay ng mga oportunidad at trabaho at edukasyon, pag bibigay proteksyon laban sa mga pang-aabuso at pagpapalakas ng kampanya upang labanan ang teenage pregnancy sa lalawigan.
Ayon pa sa opisyal, kabilang sa tututukan sa ‘Kalusugan’ ay ang pagsusuri sa mga kababaihan upang maiwasan ang iba-ibang uri ng cancer na common sa mga babae; mahal umano kung magbabayad pa ang mga ito sa mga pribadong pagamutan.
Magsisimula ang aktibidad sa November 25 na idineklarang ellimination of violence against women sa buong mundo at magtatagal hanggang sa Dec 1, 2023. Katuwang sa gagawing programa ang DSWD, DOH, PNP, Family Planning Organizarion of the Philippines at Provincial Gender and Development Office.
