Macro etching, gagawin ng mga awtoridad sa narekober na sasakyan na konektado sa pagkawala ng beauty queen

Hinihintay ngayon ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) 4A ang resulta ng forensic test sa narekober na sasakyan sa Batangas City na iniuugnay sa pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon.

Ayon kay PNP Public Information Office chief Police Colonel Jean Fajardo , kabilang sa gagawin ng PNP Forensic Group at PNP Highway Patrol Group ay ang macro etching kung saan susuriin ang chassis at engine number ng sasakyan upang matukoy ang may-ari nito.

Read More:  Visayas grid to be placed under yellow alert

Titingnan kung may biological trace evidence tulad ng buhok o dugo.

Napag-alaman na inabandona ang kulay pulang Honda CRV sa Barangay Dumuclay, Batangas City.

Read More:  Ex-PNP Chief Nicolas Torre says he’s ready to help arrest Bato

Maalalang , may dalawang saksi na nagsabing nakita nilang duguan si Camilon habang inilipat mula sa kanyang sasakyan patungo sa isa pang sasakyan noong Oktubre 12.

Nanawagan naman si Fajardo sa sinumang nakakita sa sasakyan ni Camilon na Nissan Juke na ipagbigay alam sa awtoridad upang makatulong sa imbestigasyon.