Rally sa Marcos, Duterte inauguration, ‘di papayagan – PNP

Hindi na pahihintulutan ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasagawa ng mga rally sa lugar na malapit sa pagdarausan ng inagurasyon nila President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President-elect Sara Duterte.

Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, ‘ban’ na o hindi papayagan ang anumang rally malapit sa Davao City at sa National Museum.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Gayunman, sinabi ni Fajardo na papahintulutan naman ang mga ito na gawin o magpahayag ng kanilang mga saloobin sa araw ng inagurasyon sa mga designated freedom parks ng Manila at Davao.

Samantala, inihayag naman ni PNP director for operations Police Major General Valeriano de Leon na kailangan mag-isyu ng permit ang mga local government sa anumang protest na gagawin sa araw ng inagurasyon

Read More:  Atin Ito Coalition: declare July 12 as West Philippine Sea Victory Day

Pinaalalahanan naman ang mga ito na maaari silang maaresto ng mga awtoridad kapag nagdulot sila ng trapiko at makasira ng mga bagay na pagmamayari ng gobyerno.(CLAY MARQUEZ)
#