Sa gitna ng unang napaulat na posibilidad ng pagsasailalim sa Metro Manila sa Alert Level 2 – muling nilinaw ngayon ng Department of Health na mananatili pa rin sa low risk classification ang National Capital Region.
Sa Viber message, sinabi ng DOH na bagamat mayroon ngang naitalang pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa rehyon sa nakalipas na dalawang linggo, nananatili pa rin namang mababa ang tinatawag na average daily attack rate nito.
Ang ADAR ay naitala pa rin umanong mababang one case per 100,000 na populasyion.
Para masabing mataas ulit ang ADAR, kinakaialangang mayroong six cases per a hunder thousand ng populasyon.
Maaabot ito ng NCR kung sisipa ulit sa 818 ang cases kada araw.
Matatandaaang sa pinakahuling bulletin ng DOH, bagamat lumagpas nang muli sa higit tatlong libo ang bilang ng mga aktibong kaso sa bansa, nag-aaverage pa rin sa tatlong daan ang new cases.
#