Raid sa mga POGO hubs sa bansa – inaasahang masusundan pa ayon sa PAOCC

Umakyat na sa apat ang mga foreign complainants na ‘di umano’y biktima ng pangto-torture ng na-raid na POGO hub sa Pampanga.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOCC spokesperson Winston Casio, sinabi nitong maliban sa unang Chinese na pinosas at binugbog, may ilan pang mga biktima ng umano’y pangingidnap at pangto-torture sa loob ng sinasabing ‘scam farm’.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Sa ngayon, tuluy-tuloy umano ang assessment nila sa iba pang mga POGO hubs sa Pilipinas.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Una na kasi niyang nakumpirma na halos isangdaang pang mga POGOs sa bansa ang nago-operate pa rin, kahit paso na ang lisensya.

Sa ngayon – umabot na sa 159 ang bilang ng mga nahuli na foreign nationals, at 36 na mga Pilipino sa POGO hub sa Porac.