Parañaque LGU – nababahala sa na-arestong higit 30 illegal Chinese nationals sa Multinational Village

Pinakikilos na ng Alkalde ng Parañaque City ang Chief of Police ng lungsod upang tiyakin ang seguridad ng mga residenteng nakatira sa Multinational Village.

Ito’y makaraang maaresto doon ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang nasa 37 Chinese national dahil umano sa illegal retail o iligal na pagnenegosyo.

Sa panayam ng Brigada News Fm Manila kay Mayor Eric Olivarez matapos ang isinagawang inspeksyon sa LRT-1 Cavite extension project, sinabi niyang naalarma siya matapos maaresto angga dayuhan.

Dahil dito, makikipag-usap din ang Alkalde sa mga opisyal ng home owners association na silang nagtatakda ng rules and regulations sa mga residenteng nakatira sa Multi National Village.

Binigyan-diin pa ng Alkalde na hindi niya kukunsintihin ang anumang iligal na gawain sa kanyang lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *