Quiboloy, maaari raw dumulog sa SC kasabay ng arrest order laban sa kanya

Binigyang-diin ni Senador Robin Padilla na ginawa na lahat ng kanyang opisina ang pagsunod sa anumang rules at procedure na mayroon ang Senado.

Ito ay upang mapangalagaan ang karapatan ni Apollo Quiboloy sa anumang pag-cite in contempt at pag-aresto sa kanya.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Kaugnay nito, bagamat dismayado siya sa naging paghahain ng arrest order kay Quiboloy ay iminungkahi niya sa kampo nito na lumapit sa Korte Suprema bilang legal na alternatibo.

Maalala, matapos ang paulit-ulit na hindi pagharap ni Quiboloy sa pagdinig ng komite ni Senadora Risa Hontiveros ay inissuehan siya ng contempt order at di kalaunan ay naprubahan din ang arrest order laban sa kanya matapos na hindi makakuha ng walong boto si Padilla para sa kanyang reversal of the contempt citation.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas