Nagsumite ng kanyang pagbibitiw bilang QCPD Chief si PBGen. Nicolas Torre III.
Sa isang pahayag sinabi ni Torre na isinumite niya ang kanyang resignation ngayong araw at bukas , August 31 ang effectivity nito.
Nag-ugat ang pagbibitiw ni Torre dahil sa napunang umano’y pagbibigay ng special treatment sa dismissed na pulis na si Wilfredo Gonzales matapos siyang pahintulutang humarap sa media sa pamamagitan ng pressconconference sa tanggapan ng QCPD.
Si Gonzales ay nag viral sa social media matapos manakit at magkasa ng baril sa isang siklista sa Welcome Rotonda, QC kamakailan.
Humingi ng paumanhin si Torre sa publiko sa desisyon ng pagsasagawa ng pressconference at sinabing pinagsisisihan niya ito.
