PWD at balut vendor, pinatunayan na walang imposible sa pagkamit ng mga pangarap

“𝘔𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘳𝘢𝘱 𝘢𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘦𝘩, 𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘮𝘢𝘨-𝘦𝘹𝘵𝘳𝘢 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘮𝘢𝘵𝘶𝘱𝘢𝘥 𝘬𝘰 𝘪𝘵𝘰.”

Pinatunayan ni Angeleus Garcia Ambros, 33, na walang pinipiling estado sa buhay upang makamit ang pangarap na makapagtapos sa kaniyang master’s degree.

Tubong Brgy. Quezon, Solano, Nueva Vizcaya si Angeleus na isang PWD o Person with Disability, at balut-penoy, chicharon at ulam vendor kung saan hindi naging hadlang ang mga ito upang magsilbi siyang inspirasyon sa mga kabataan.

Bukod sa paglalako ng mga balut, isa ring guro si Angeleus. Ayon sa kaniya, sa umaga ay isa siyang simbolo ng edukasyon para sa mga kabataan at tuwing gabi ay nagsisilbi naman siyang tanglaw sa kalsada na kumakayod upang mapagtagumpayan ang bawat hamon sa buhay.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Bukod kahirapan, nakaranas din si Angeleus na mahusgahaan ng ibang tao ngunit hindi siya nagpatinag bagkus ginawa niya itong hagdan paakyat sa entablo kung saan natatanggap niya ang kaniyang diploma.

Sa panayam sa kaniya ng Brigada News Team, ipinunto nito na seryosohin ng mga Kabataan ang kanilang pag-aaral.

Dapat aniya ay maniwala ang mga ito sa kanilang mga sarili na maaabot din nila ang kanilang mga pangarap sa buhay.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Umaasa rin siya na maging instrumento ang kaniyang kwento para sa mga kabataang nawawalan na ng pag-asang makapagtapos ng pag-aaral dahil sa hirap ng sitwasyon na kanilang nararanasan.

Dagdag pa ni Angeleus, “malayo na ang inyong narating pero meron pang mas ilalayo [ito] kapag kayo ay nakapagtapos sa inyong pag-aaral”.

Patunay lamang ito na kahit ano pa ang sitwasyon na mayroon ka basta’t mayroon kang dedikasyon na matupad ang inyong mga pangarap, gaano man ito kahirap, ay gagawa at gagawa ka ng paraan para lamang ito’y matupad.