Tinanggihan ni Russian President Vladimir Putin ang peace initiative ng isang delegasyon ng mga African leaders na umaasang matatapos na ang digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Nagtungo ang mga leaders mula sa pitong bansa sa Africa sa St. Petersburg at nakipagpulong kay Putin isang araw pagkatapos nilang makipagkita kay Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy.

Inulit ni Putin ang kanyang posisyon , na ang Ukraine at ang mga kaalyado nito ay may pananagutan sa digmaan bago pa man nila sinalakay ang Ukraine noong February 2022.
Samantala, sinabi naman ni Zelenskyy na ang anumang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Russia ay hindi pa rin umano makakapigil sa pwersa ng Moscow na sakupin ang kanilang teritoryo.//CA