Walang malaking expectation ang komedyanteng si ‘Hipon Girl’ o Herlene Budol sa totong pangalan, sa kanyang pag-auditon para sa Bb. Pilipinas.
Ayon kay Harlene, tatanggapin niya kung matanggap man siya o hindi sa naturang kompetisyon.
Kaugnay nito, ipinost ni Herlene sa Instagram ang kaniyang swimsuit photo, na isinumite sa Bb. Pilipinas, at sinabing “squammy pose muna si Hipon.”

Ang “squammy” ay pinauso ni Herlene para sa “squatter” na pinanggalingan umano niya.
Sa gitna nito, humingi ng suporta si Herlene para sa final screening ng Bb. Pilipinas na gaganapin sa Abril 22, kasabay ng pag-asa na makapagbibigay siya ng inspirasyon sa kanyang mga taga-suporta na tinatawag niya “Hiponatics.” //MHEL PACIA-TRINIDAD