Na-deploy na umano ni Russian President Vladimir Putin papuntang Ukraine ang halos 100 percent ng mahigit 150,000 pwersa nito na naka-pre stage noon sa labas ng naturang bansa bago ang pagsisimula ng invasion.
Base ito sa estimate ng isang senior US defense official.
Mababatid na 12 araw matapos ang pagsisimula ng invasion, ay hindi nakausad ang malaking bahagi ng Russian forces sa hilagang bahagi ng Kyiv.
Sa ngayon ay bigo pa rin ang Russian forces na makontrol ang himpapawid ng Ukraine at kasalukuyang umaasa lamang sa missile at artillery strikes.
Kaugnay nito ay inutos ng Pentagon ang pagpapadala ng 500 tropa nito sa Europa na dahilan para umabot sa tinatayang 100,000 na ang kabuoang bilang ng American forces sa rehiyon.
Layon ng Estados Unidos na bantayan ang NATO nations sakaling magkaroon man ng spillover ang gyera sa Ukraine.
