Naiulat ng Pentagon na nagre-recruit umano ang Russia ng Syrians at ng iba pang foreign fighters sa gitna ng pagpapaigting nito ng pag-atake sa Ukraine.
Ayon sa mga opisyal ng US Department of Defense, sumailalim sa “recruiting mission” si Russian President Vladimir Putin para magpadala ng foreign fighters sa Ukraine.
Meron naman isang opisyal ang nagsabi na meron nang mga mersenaryo ang nakarating sa Russia at naghahanda nang sumabak sa gyera.
Hindi naman malinaw kung ilan na ang na-recruit ng Russia.
Matatandaan na pumasok ang Moscow sa civil war ng Syria noong 2015 upang panigan ang rehimen ni President Bashar al-Assad.
Mahigit isang dekada nang nagpapatuloy ang civil war sa Syria, na minarkahan ng urban combat.
