Tumanggap ng emergency and rescue vehicle ang lokal na pamahalaan ng Pilar, Bataan mula sa opisina ni Senator Bong Go.
Ito ay matapos aprubahan ang kahilingan ng punong bayan na magkaroon ng karagdagang sasakyan para magamit ng mga health workers sa tawag ng tungkulin.
Ang ambulansya ay natanggap ng lokal na pamahalaan kahapon at agad na itinalaga sa Emergency Response Team.
Samantala isa pang rescue vehicle ang nadagdag na sasakyan na pinodohan naman ng lokal na pamahalaan.//Jeff Valdez-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: Municipality of Pilar
