Putin at Italian PM Draghi nagkausap sa telepono , nagbabadyang ‘food crisis’ tinalakay

Nagkausap sa telepono sina Russian President Vladimir Putin at Italian Prime Minister Mario Draghi kung saan pinag-usapan ang sitwasyon ng Ukraine at isyu ng global food security.

Ayon sa pahayag ng Kremlin, nilinaw ni Putin na handa siyang magbigay ng “significant contribution” para maiwasan ang food crisis sa pamamagitan ng pag-export ng graines at abono kapag inalis ng West ang mga “politically motivated restrictions”.

Inihayag umano ni Putin kay Draghi na gumagawa na ng paraan para ma-establish ang mapayapang buhay sa Donbas region.

Tiniyak naman umano ng Russia na tuloy ang supplies ng natural gas sa Italy sa presyong nasa kontrata nila.