Kinmpirma ng Russian court na umabot sa 115 na national guardsmen ang madismis sa puwesto matapos tumangging maging bahagi sa pagsakop sa Ukraine.
Ayon sa report, ito ang kauna-unahang official conformation ng mga sundalong tumangging makibahagi sa military campaign na inilunsad noong Pebrero 24 ngayong taon.
Inihayag ng military court sa southern Kabardino-Balkaria na sinuri nila ang mga mahalagang dokumento kung saan kinwestiyon ang mga opisyal ng National Guard na isang domestic security force na hiwalay sa Russian army.
Refusal to perform an official assignment ang isinampa sa mga defendants habang ibinasura ang apela ng mga ito.
