Pulong sa Quad Comm hearing

Nais ni Davao City Representative Paolo Duterte na dumalo at lumahok sa susunod na pagdinig ng Quad Committee sa Kamara ukol sa isyu ng extrajudicial killings at illegal drug trade sa bansa.

Ito ang inanunsyo ni House Committee on Public Accounts Chairman Joseph Stephen Paduano sa pagpapatuloy ng quad comm hearing ngayong araw.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Sinabi ni Paduano na nakatanggap sila ng kopya ng liham mula kay Duterte na may kaugnayan sa ilang tanong.

Kasunod nito, inatasan ni Quad Comm Chairman Robert Ace Barbers ang committee secretary na magpadala ng imbitasyon kay Duterte.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

May mga itatanong aniya si Congressman Pulong sa resource persons kaya pinaiimbitahan na siya sa ikapitong pagdinig na sesentro naman sa isyu ng ilegal na droga at EJK.

Mababatid na naimbitahan na rin si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdinig upang bigyang-linaw ang mga isyung iniuugnay sa kanya.