Magkapatid na menor de edad nalunod sa karagatang sakop ng Mercedes noong Semana Santa

CAMARINES NORTE- isang insidente ng pagkalunod na kinasangkotan ng dalawang magkapatid ang naganap sa baybayin na sakop ng Purok 4 Barangay San Roque, Mercedes, Camarines Norte dakong 12:41 ng hapon nitong semana santa

Sa report ng pulisya, nakatanggap sila ng isang tawag mula sa isang concerned citizen ukol sa nabanggit na insidente matapos nito ay di na nag atubili pang nagtungo ang mga tauhan ng Mercedes Municipal Police Station sa nasabing lugar.

Agad na nakipag-ugnayan rin ang mga tauhan ng nasabing himpilan sa mga tauhan ng Philippine Coastguard at MDRRMO para sa isasagawang search and rescue operation.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Pagdating sa nasabing lugar, agad-agad na nagsagawa ng search and rescue operation ang mga sumaklolong tauhan ng Mercedes MPS at Philippine Coastguard kung kaya’t narescue pa ang biktima na nakilalang si Mark David Mansanero Tabaco, 17 taong gulang, isang mag-aaral at residente ng Purok 2, Brgy. 1, Mercedes, Camarines Norte.

Nilapatan agad ito ng pang-unang lunas ng mga tauhan ng MDRRMO at dinala sa Camarines Norte Provincial Hospital sa bayan ng Daet.

Sa kasawiang palad, ang nasabing biktima na narescue  ay binawian rin ng kanyang hiram na buhay matapos itong ideklarang dead on arrival ng nakatalagang doktor.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Samantala, ang kapatid ng biktimang si Mark na nakilalang si Irish Mansanero Tabaco, 14 anyos, isang mag-aaral na diumano’y kasama nitong nalunod ay pinaghahanap pa rin ng mga tauhan ng Philippine Coastguard.

Patuloy ang isasagawang search and retrieval operation ng mga kinauukulan sa pagbabakasakali na matagpuan pa ng ligtas ang 14 anyos na dalagang kapatid ng nauna ng biktima.

Ayon sa paunang imbestigasyon, ang magkapatid ay kasama ng kanilang mga kaibigan na nagkayayaan na maglangoy o magpiknik sa nasabing lugar.