Pulis, timbog sa Drug Buy Bust Operation sa Camarines Sur

CAMARINES SUR – Arrestado ang isang 53 anyos na bikolanong PCPL matapos ang isinagawang Drug Buy Bust Operation ng pinagisang pwersa ng mga awtoridad sa Libmanan Camarines Sur, kaninang mag aalas 3 ng madaling araw Hunyo 24, 2024.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni PEMSGT. Joel Bincolado PIO ng Libmanan MPS galing sa Iriga City, ang suspek ay tubong Iriga at miyembro ng CIDU (Criminal Investigation and Detection Unit), QCPD.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Naarresto ang suspek matapos na magpositibo at kumagat sa operatibang nagposteng buyer, ng magkaabutan, dito na agad na inarresto ng kapulisan.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Nakumpiska rito ang kabuoang 200 gramo ng pinaghihinalaang shabu at nagkakahalaga PhP 1,360,000.00, bukod pa rito narekober din sa posisyon nito ang isang Short Firearm, isa pang riffle 5.56, mga bala at magazines.

Inaalam pa ng Libmanan PNP kung may malaking operayon ng illegal na droga sa naturang bayan.